簡介
A. GENERAL FUNCTION
Magdiskarga, magkarga at magsuro ng mga kargamento sa pantalan, sa morada, at sa loob ng bodega, papuntang stockpile, area/staging area/storage area, sa gitna ng bodega, sa delivery truck, o vice versa. Responsibilidad din nito na ayusin ang mga kargamentong hindi maayos ang pagkakakamada sa stockpile area.
B. DUTIES AND RESPONSIBILITIES
1. Standard Operating Procedures
- Pumasok tatlumpung minuto bago magsimula ang shift para makapaghanda para sa trabaho.
- Magsuot ng kumpletong PPE (Personal Protective Equipment) sa pagpasok at habang nasa mga lugar na kailangang naka PPE.
- Hard hat
- High-visibility clothing/reflectorized vest
- Mask
- Safety shoes
- Gloves
- Safety goggles
- Mag-log-in, at log-out sa Operations Resource Department (ORD) bago, at pagkatapos ng shift gamit ang bundy clock.
- Pumirma sa Certificate of Attendance sa Motorpool bago magsimula, at pagkatapos ng shift.
2. Sakop ng Trabaho at Tungkulin
- Makipag-usap sa On-Board Foreman (OBFM) kung anong kargamento ang tatrabahuhin. Siguraduhing naintindihan at naitanong ang lahat ng detalye na kailangan sa pagsasagawa ng trabaho.
- Siguraduhing ang forklift unit ay gumagana, nakargahan ng sapat na krudo, at nasa maayos na kalagayan (gulong, makina, headlight, backlight, brake light, busina, preno, walang tumatagas na langis, atbp.). Depende sa klase ng kargamentong paggagamitan ng forklift, siguraduhin na tama ang klase ng forklift na gagamitin (habang tinidor o buto).
- Siguraduhing alam ang Safe Working Load (SWL) ng forklift, at tiyakin na hindi lalagpas sa SWL ang bigat ng susuruing kargamento.
- Safety First: Ang kaligtasan sa bawat trabaho ang pinakamahalagang alituntunin na kailangang isa-alang-alang ng mga istiba.Huwag pumunta sa mga lugar kung saan may malaking bantang panganib, lalo na sa mga kargamentong gumugulong, o mga kargamentong hindi matibay ang pundasyon, upang maiwasan ang aksidente. Huwag iparada ang forklift unit sa ibaba/ilalim ng inaarya/binibirang kargamento.
- Tignan kung kailangan bang alisin ang counterweight bolt ng unit bago ito iakyat sa bodega. Kung sakaling kailangan, agad na makipag-ugnayan sa OBFM at sa Equipment Control Assistant (ECA) upang maisakatuparan ang mga kinakailangang preparasyon.
- Siguraduhing malinis ang paligid at dinadaanan ng forklift sa loob ng bodega kung saan nagsasagawa ng operasyon upang maiwasan ang pagsabit o pagtama sa mga matutulis o malalaking bagay. Siguraduhing walang nakakalat na langis o iba pang mga bagay na maaaring pagmulan ng sakuna.
- Iwasang maglipat ng mabibigat na kargamento papunta sa malayong stockpile. Kung maari ay gumamit ng temporary staging Area o hustling truck upang hindi medaling masira ang buto ng unit.
- Maingat na suruin at maayos na ikamada ang mga kargamento sa stockpile upang maiwasan ang pagkasira ng kargamento o ng forklift unit. Sundin ang panuntunan sa ligtas (tamang taas) na pagkakamada ng mga kargamento sa stockpile.
- CRC, HRC: 1-2 tiers
- Wire rod, sawn timber: 4-5 tiers
- Steel billets, h-beam, steel plate, steel pipe, round logs: 2-2.5 meters
- Siguraduhing nasusunod ang travelling load height ng forklift na anim (6) na pulgada habang naglilipat/ nagbubuhat ng mga kargamento.
- Tiyaking husto o sapat lamang ang taas o tier ng mga kargamento upang maiwasan ang pagguho o paggulong ng mga Kargamento. Gayundin ang dapat tandaan kapag nagkakamada ng kargamento sa delivery truck.
- Sa mga pagkakataong ang kargamentong laman ng barko ay sawn timber at kailangang gumamit ng forklift unit sa pagtatrabaho, siguraduhing lahat ng preparasyon ay nagawa na bago magsimula ang trabaho – nailagay na ang steel plates kung saan isasampa/ipapatong ang forklift, mga kalso upang maging pantay ang mga steel plates, saw dust o buhangin upang hindi dumulas ang unit at hindi madumihan ang mga kargamento sa ilalim kung sakaling tumagas o pumatak anglangis, at iba pang pangkaligtasang panuntunan.
NOTE: see complete job description in our Careers' webpage:***